3 ibabalik din naman ni Jehova na iyong Diyos ang iyong mga bihag+ at pagpapakitaan ka ng awa+ at titipunin kang muli mula sa lahat ng mga bayan kung saan pinangalat ka ni Jehova na iyong Diyos.+
9 Kapag bumalik na kayo sa akin+ at tumupad ng aking mga utos+ at ginawa ang mga iyon,+ bagaman ang inyong nangalat na bayan ay mapasadulo ng langit, mula roon ay titipunin+ ko sila at tiyak na dadalhin ko sila+ sa dako na aking pinili upang doon patahanin ang aking pangalan.’+
14 “Manumbalik kayo, O kayong mga anak na suwail,”+ ang sabi ni Jehova. “Sapagkat ako ang naging inyong asawang nagmamay-ari;+ at kukunin ko kayo, isa mula sa isang lunsod at dalawa mula sa isang pamilya, at dadalhin ko kayo sa Sion.+
14 At titipunin kong muli ang mga nabihag sa aking bayang Israel,+ at kanila ngang itatayo ang mga nakatiwangwang na lunsod at tatahanan ang mga iyon,+ at magtatanim sila ng mga ubasan at iinumin ang alak ng mga iyon, at gagawa sila ng mga hardin at kakainin ang bunga ng mga iyon.’+
4 “Sinong tao sa inyo na may isang daang tupa, kapag nawala ang isa sa kanila, ang hindi iiwan ang siyamnapu’t siyam sa ilang at hahayo dahil sa isa na nawala hanggang sa masumpungan niya ito?+