Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Isaias 13:20
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 20 Hindi siya kailanman tatahanan,+ ni mananahanan man siya sa sali’t salinlahi.+ At doon ay hindi magtatayo ng kaniyang tolda ang Arabe, at hindi pahihigain doon ng mga pastol ang kanilang mga kawan.

  • Isaias 14:23
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 23 “At gagawin ko siyang pag-aari ng mga porcupino at mga matambong lawa ng tubig, at wawalisin ko siya ng walis ng pagkalipol,”+ ang sabi ni Jehova ng mga hukbo.

  • Jeremias 50:3
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 3 Sapagkat umahon laban sa kaniya ang isang bansa mula sa hilaga.+ Pinangyayari ng isang iyon na ang kaniyang lupain ay maging bagay na panggigilalasan, anupat walang sinumang tatahan sa kaniya.+ Kapuwa ang tao at ang alagang hayop ay tumakas.+ Sila ay yumaon na.”+

  • Jeremias 50:39
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 39 Kaya ang mga namamalagi sa mga pook na walang tubig ay tatahang kasama ng mga hayop na nagpapalahaw, at tatahanan siya ng mga avestruz;+ at hindi na siya kailanman tatahanan, ni mananahanan man siya sa sali’t salinlahi.”+

  • Jeremias 51:29
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 29 At hayaang ang lupa ay umuga at dumanas ng matinding kirot,+ sapagkat bumangon laban sa Babilonya ang mga kaisipan ni Jehova na ang lupain ng Babilonya ay gawing isang bagay na panggigilalasan, na walang tumatahan.+

  • Jeremias 51:37
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 37 At ang Babilonya ay magiging mga bunton ng mga bato,+ na tirahan ng mga chakal,+ isang bagay na panggigilalasan at isang bagay na sisipulan, na walang tumatahan.+

  • Apocalipsis 18:23
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 23 at wala nang liwanag ng lampara ang sisinag pang muli sa iyo, at wala nang tinig ng kasintahang lalaki at ng kasintahang babae ang maririnig pang muli sa iyo;+ sapagkat ang iyong mga naglalakbay na mangangalakal+ ay ang mga taong matataas ang katungkulan+ sa lupa, sapagkat sa pamamagitan ng iyong mga espiritistikong+ gawain ay nailigaw ang lahat ng mga bansa.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share