33 At kayo ay pangangalatin ko sa gitna ng mga bansa,+ at pagbubunutan ko kayo ng tabak sa hulihan ninyo;+ at ang inyong lupain ay magiging tiwangwang,+ at ang inyong mga lunsod ay magiging tiwangwang na kaguhuan.
64 “At tiyak na pangangalatin ka ni Jehova sa lahat ng mga bayan mula sa isang dulo ng lupa hanggang sa kabilang dulo ng lupa,+ at doon ay maglilingkod ka sa ibang mga diyos, kahoy at bato, na hindi mo kilala, ikaw man ni ang iyong mga ninuno.+
8 “Alalahanin mo,+ pakisuyo, ang salita na iniutos mo kay Moises na iyong lingkod, na nagsasabi, ‘Kung kayo, sa ganang inyo, ay gagawi nang di-tapat, pangangalatin ko naman kayo sa gitna ng mga bayan.+
14 ‘At may kapusukan ko silang inihagis sa lahat ng mga bansa + na hindi pa nila nakilala; + at ang lupain ay naiwang tiwangwang sa likuran nila, na walang sinumang dumaraan at walang sinumang bumabalik; + at ang kanais-nais na lupain + ay ginawa nilang bagay na panggigilalasan.’ ”