Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Levitico 26:44
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 44 Gayunma’y sa kabila ng lahat ng ito, samantalang nananatili sila sa lupain ng kanilang mga kaaway, ay hindi ko nga sila itatakwil+ ni kamumuhian ko man sila+ upang lipulin ko sila, upang labagin ang aking tipan+ sa kanila; sapagkat ako ay si Jehova na kanilang Diyos.

  • Deuteronomio 30:3
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 3 ibabalik din naman ni Jehova na iyong Diyos ang iyong mga bihag+ at pagpapakitaan ka ng awa+ at titipunin kang muli mula sa lahat ng mga bayan kung saan pinangalat ka ni Jehova na iyong Diyos.+

  • 2 Hari 24:15
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 15 Sa gayon ay dinala niya si Jehoiakin+ sa pagkatapon sa Babilonya;+ at ang ina+ ng hari at ang mga asawa ng hari at ang kaniyang mga opisyal ng korte+ at ang mga pangunahing tao sa lupain ay dinala niya bilang itinapong bayan mula sa Jerusalem patungo sa Babilonya.

  • Awit 44:11
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 11 Ibinibigay mo kaming tulad ng mga tupa, na pinakapagkain,+

      At sa gitna ng mga bansa ay ipinangalat mo kami.+

  • Jeremias 24:5
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 5 “Ito ang sinabi ni Jehova na Diyos ng Israel, ‘Tulad ng mabubuting igos na ito, gayon ko ituturing ang mga tapon ng Juda, na payayaunin ko mula sa dakong ito patungo sa lupain ng mga Caldeo,+ sa ikabubuti.+

  • Jeremias 30:11
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 11 “Sapagkat ako ay sumasaiyo,” ang sabi ni Jehova, “upang iligtas ka;+ ngunit magsasagawa ako ng paglipol sa gitna ng lahat ng mga bansa na pinangalatan ko sa iyo.+ Gayunman, sa iyo ay hindi ako magsasagawa ng paglipol.+ At kailangang ituwid kita sa wastong antas, sapagkat talagang hindi kita hahayaang di-naparurusahan.”+

  • Jeremias 31:10
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 10 Dinggin ninyo ang salita ni Jehova, O kayong mga bansa, at ipahayag ninyo iyon sa mga pulo sa malayo,+ at sabihin ninyo: “Ang Isa na nagpapangalat sa Israel ang siyang magtitipon sa kaniya,+ at tiyak na iingatan niya siya gaya ng pastol sa kaniyang kawan.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share