-
Deuteronomio 4:6Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
6 At ingatan ninyo at gawin ninyo ang mga iyon, sapagkat ito ay karunungan+ sa ganang inyo at pagkaunawa+ sa ganang inyo sa paningin ng mga bayan na makaririnig ng lahat ng tuntuning ito, at tiyak na sasabihin nila, ‘Ang dakilang bansang ito ay walang alinlangang isang bayan na marunong at may unawa.’+
-
-
2 Samuel 7:23Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
23 At anong iisang bansa sa lupa ang katulad ng iyong bayang Israel,+ na tinubos ng Diyos para sa kaniyang sarili bilang isang bayan+ at upang magtalaga sa kaniyang sarili ng isang pangalan+ at upang gumawa para sa kanila ng dakila at kakila-kilabot na mga bagay+—upang palayasin dahil sa iyong bayan, na tinubos mo+ para sa iyo mula sa Ehipto, ang mga bansa at ang kanilang mga diyos?
-
-
Panaghoy 2:15Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
15 Sa iyo ay ipinapalakpak ng lahat ng nagdaraan sa lansangan ang kanilang mga kamay.+
Sila ay sumisipol+ at patuloy na nag-iiling ng kanilang ulo+ sa anak na babae ng Jerusalem, na sinasabi:
“Ito ba ang lunsod na sinasabi nila noon, ‘Iyon ang kasakdalan ng kariktan, isang pagbubunyi ng buong lupa’?”+
-