20 At tinulungan sila laban sa mga iyon, anupat ang mga Hagrita at ang lahat ng kasama nila ay naibigay sa kanilang kamay, sapagkat sa Diyos sila humingi ng saklolo+ sa digmaan, at hinayaan niyang siya ay mapamanhikan sa kanilang ikabubuti sapagkat nagtiwala sila sa kaniya.+
9 Sa katunayan, aming nadama sa loob namin na tinanggap na namin ang hatol na kamatayan. Ito ay upang magtiwala kami,+ hindi sa aming sarili, kundi sa Diyos na nagbabangon ng mga patay.+
6 Bukod diyan, kung walang pananampalataya+ ay imposibleng palugdan siya nang lubos,+ sapagkat siya na lumalapit sa Diyos ay dapat na maniwala na siya nga ay umiiral+ at na siya ang nagiging tagapagbigay-gantimpala+ doon sa mga may-pananabik na humahanap sa kaniya.+