Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Awit 72:7
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    •  7 Sa kaniyang mga araw ay sisibol ang matuwid,+

      At ang kasaganaan ng kapayapaan hanggang sa mawala na ang buwan.+

  • Isaias 2:4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 4 At siya ay maggagawad ng kahatulan sa gitna ng mga bansa+ at magtutuwid ng mga bagay-bagay+ may kinalaman sa maraming bayan.+ At pupukpukin nila ang kanilang mga tabak upang maging mga sudsod at ang kanilang mga sibat upang maging mga karit na pampungos.+ Ang bansa ay hindi magtataas ng tabak laban sa bansa, ni mag-aaral pa man sila ng pakikipagdigma.+

  • Isaias 9:7
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 7 Ang kasaganaan ng pamamahala bilang prinsipe+ at ang kapayapaan ay hindi magkakaroon ng wakas,+ sa trono ni David+ at sa kaniyang kaharian upang itatag ito nang matibay+ at upang alalayan ito sa pamamagitan ng katarungan+ at sa pamamagitan ng katuwiran,+ mula ngayon at hanggang sa panahong walang takda. Ang mismong sigasig ni Jehova ng mga hukbo ang gagawa nito.+

  • Isaias 60:18
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 18 “Ang karahasan ay hindi na maririnig pa sa iyong lupain, ang pananamsam o ang kagibaan sa loob ng iyong mga hangganan.+ At ang iyong mga pader ay tiyak na tatawagin mong Kaligtasan+ at ang iyong mga pintuang-daan ay Kapurihan.

  • Mateo 26:52
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 52 Nang magkagayon ay sinabi ni Jesus sa kaniya: “Ibalik mo ang iyong tabak sa kinalalagyan nito,+ sapagkat ang lahat niyaong humahawak ng tabak ay malilipol sa pamamagitan ng tabak.+

  • Efeso 6:12
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 12 sapagkat tayo ay may pakikipagbuno,+ hindi laban sa dugo at laman, kundi laban sa mga pamahalaan,+ laban sa mga awtoridad,+ laban sa mga tagapamahala ng sanlibutan+ ng kadilimang ito, laban sa balakyot na mga puwersang espiritu+ sa makalangit na mga dako.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share