Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Awit 32:5
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    •  5 Ang aking kasalanan ay ipinagtapat ko sa iyo sa wakas, at ang aking kamalian ay hindi ko pinagtakpan.+

      Sinabi ko: “Ipagtatapat ko ang tungkol sa aking mga pagsalansang kay Jehova.”+

      At pinagpaumanhinan mo ang kamalian ng aking mga kasalanan.+ Selah.

  • Awit 103:3
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    •  3 Siyang nagpapatawad ng lahat ng iyong kamalian,+

      Siyang nagpapagaling ng lahat ng iyong karamdaman,+

  • Awit 130:4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    •  4 Sapagkat ang tunay na kapatawaran ay nasa iyo,+

      Upang ikaw ay katakutan.+

  • Isaias 1:18
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 18 “Halikayo ngayon at ituwid natin ang mga bagay-bagay sa pagitan natin,” ang sabi ni Jehova.+ “Bagaman ang mga kasalanan ninyo ay maging gaya ng iskarlata, ang mga ito ay mapapuputing gaya ng niyebe;+ bagaman ang mga ito ay maging pula na gaya ng telang krimson, ang mga ito ay magiging gaya pa man din ng lana.

  • Isaias 43:25
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 25 “Ako—ako ang Isa na pumapawi+ sa iyong mga pagsalansang+ alang-alang sa akin,+ at ang iyong mga kasalanan ay hindi ko aalalahanin.+

  • Daniel 9:9
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 9 Kay Jehova na aming Diyos ay nauukol ang kaawaan+ at ang mga pagpapatawad,+ sapagkat naghimagsik kami laban sa kaniya.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share