5 ilalabas mo nga ang lalaking iyon o ang babaing iyon na gumawa ng masamang bagay na ito sa iyong mga pintuang-daan, oo, ang lalaki o ang babae, at babatuhin mo ng mga bato ang gayong tao, at ang gayong tao ay dapat mamatay.+
17 Ngayon ay pinapayuhan ko kayo, mga kapatid, na mataan ninyo yaong mga lumilikha ng mga pagkakabaha-bahagi+ at mga dahilang ikatitisod na salungat sa turo+ na inyong natutuhan, at iwasan ninyo sila.+
11 Ngunit ngayon ay isinusulat ko sa inyo na tigilan ang pakikihalubilo+ sa sinumang tinatawag na kapatid na isang mapakiapid o taong sakim+ o mananamba sa idolo o manlalait o lasenggo+ o mangingikil, na huwag man lamang kumaing kasama ng gayong tao.
6 Ngayon ay binibigyan namin kayo ng mga utos,+ mga kapatid, sa pangalan ng Panginoong Jesu-Kristo, na lumayo+ sa bawat kapatid na lumalakad nang walang kaayusan+ at hindi ayon sa tradisyon na inyong tinanggap mula sa amin.+
14 Ngunit kung ang sinuman ay hindi masunurin sa aming salita+ sa pamamagitan ng liham na ito, panatilihin ninyong markado+ ang isang ito, huwag na kayong makisama sa kaniya,+ upang siya ay mapahiya.+