30 At kung magkagayon ang tanda ng Anak ng tao+ ay lilitaw sa langit, at kung magkagayon ay dadagukan ng lahat ng mga tribo sa lupa ang kanilang sarili sa pananaghoy,+ at makikita nila ang Anak ng tao na dumarating na nasa mga ulap sa langit taglay ang kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian.+
32 At ang lahat ng mga bansa ay titipunin sa harap niya,+ at pagbubukud-bukurin+ niya ang mga tao sa isa’t isa,+ kung paanong ibinubukod ng pastol ang mga tupa mula sa mga kambing.
10 Sapagkat tayong lahat ay dapat na mahayag sa harap ng luklukan ng paghatol ng Kristo,+ upang makamit ng bawat isa ang kaniyang gantimpala para sa mga bagay na ginawa sa pamamagitan ng katawan, ayon sa mga bagay na isinagawa niya, ito man ay mabuti o buktot.+
10 ukol sa isang pangangasiwa+ sa hustong hangganan ng mga takdang panahon,+ samakatuwid nga, upang muling tipunin+ ang lahat ng mga bagay kay Kristo,+ ang mga bagay na nasa langit+ at ang mga bagay na nasa lupa.+ Oo, sa kaniya,
16 sapagkat ang Panginoon mismo ay bababa mula sa langit+ na may nag-uutos na panawagan, may tinig ng arkanghel+ at may trumpeta ng Diyos,+ at yaong mga patay na kaisa ni Kristo ang unang babangon.+