Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Levitico 7:34
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 34 Dahil kukunin ko mula sa mga haing pansalo-salo ng mga Israelita ang dibdib ng handog na iginagalaw* at ang binti ng banal na bahagi, at ibibigay ko ang mga iyon kay Aaron na saserdote at sa mga anak niya; ito ay isang tuntunin hanggang sa panahong walang takda para sa mga Israelita.+

  • Levitico 10:14
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 14 Kakainin din ninyo sa isang malinis na lugar ang dibdib ng handog na iginagalaw* at ang binti ng banal na bahagi,+ ikaw at ang mga anak mong lalaki at babae,+ dahil ang mga iyon ay paglalaan sa iyo at sa iyong mga anak mula sa mga haing pansalo-salo ng mga Israelita.

  • Bilang 18:9
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 9 Para sa iyo ang mga bahagi ng mga kabanal-banalang handog na kinuha mula sa mga handog na pinaraan sa apoy: bawat handog na dinadala nila sa akin, pati ang kanilang handog na mga butil,+ handog para sa kasalanan,+ at handog para sa pagkakasala.+ Ito ay kabanal-banalang bagay para sa iyo at sa iyong mga anak.

  • Deuteronomio 18:4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 4 Dapat ninyong ibigay sa kaniya ang unang bunga ng inyong mga butil, bagong alak, at langis at ang unang ginupit na balahibo mula sa inyong kawan.+

  • 1 Corinto 9:13
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 13 Hindi ba ninyo alam na ang mga lalaking gumaganap ng sagradong mga atas ay kumakain ng mga bagay na mula sa templo, at ang mga regular na naglilingkod sa altar ay may parte sa mga bagay na inihahandog sa altar?+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share