-
Nehemias 8:14-18Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
14 Pagkatapos, nakita nilang nakasulat sa Kautusan na iniutos ni Jehova sa pamamagitan ni Moises na ang mga Israelita ay dapat tumira sa mga kubol* sa panahon ng kapistahan sa ikapitong buwan,+ 15 at dapat nilang ipahayag+ at ipaalám sa lahat ng kanilang lunsod at sa buong Jerusalem: “Pumunta kayo sa mabundok na rehiyon at kumuha ng madahong mga sanga mula sa mga puno ng olibo, pino, mirto, palma, at iba pang puno para gumawa ng mga kubol, ayon sa nasusulat.”
16 Kaya umalis ang bayan at kumuha ng mga iyon para gumawa ng kubol sa kani-kanilang bubong, looban, pati na sa mga looban* ng bahay ng tunay na Diyos,+ sa liwasan ng Pintuang-Daan ng Tubig,+ at sa liwasan ng Pintuang-Daan ng Efraim.+ 17 Kaya ang lahat ng bumalik mula sa pagkabihag ay gumawa ng mga kubol at tumira sa mga iyon; ngayon na lang ito ginawa ng mga Israelita sa ganitong paraan mula noong panahon ni Josue+ na anak ni Nun, kaya nagkaroon ng napakalaking pagsasaya.+ 18 At araw-araw na binasa ang aklat ng Kautusan ng tunay na Diyos,+ mula nang unang araw hanggang sa huling araw. At pitong araw nilang ipinagdiwang ang kapistahan, at nagkaroon ng isang banal na pagtitipon sa ikawalong araw, ayon sa hinihiling ng Kautusan.+
-