Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Exodo 23:16
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 16 Kailangan mo ring ipagdiwang ang Kapistahan ng Pag-aani* ng mga unang hinog na bunga ng iyong pagtatrabaho, ng paghahasik mo sa bukid;+ at ang Kapistahan ng Pagtitipon ng Ani* sa pagtatapos ng taon, kung kailan tinitipon mo mula sa bukid ang mga bunga ng iyong pagtatrabaho.+

  • Levitico 23:34
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 34 “Sabihin mo sa mga Israelita, ‘Sa ika-15 araw ng ikapitong buwan, ipagdiriwang ninyo para kay Jehova ang Kapistahan ng mga Kubol* nang pitong araw.+

  • Bilang 29:12
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 12 “‘Sa ika-15 araw ng ikapitong buwan, dapat kayong magdaos ng isang banal na kombensiyon. Huwag kayong gagawa ng anumang mabigat na trabaho, at magdiwang kayo ng isang kapistahan para kay Jehova nang pitong araw.+

  • Deuteronomio 31:10, 11
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 10 Iniutos sa kanila ni Moises: “Tuwing matatapos ang pitong taon, sa itinakdang panahon sa taon ng pagpapalaya,+ sa Kapistahan ng mga Kubol,*+ 11 kapag humaharap ang buong Israel sa Diyos ninyong si Jehova+ sa lugar na pinili niya, dapat ninyong basahin ang Kautusang ito para marinig ng buong Israel.+

  • Juan 7:2
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 2 Gayunman, malapit na ang Kapistahan ng mga Tabernakulo,*+ na ipinagdiriwang ng mga Judio.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share