Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Exodo 23:16
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 16 Kailangan mo ring ipagdiwang ang Kapistahan ng Pag-aani* ng mga unang hinog na bunga ng iyong pagtatrabaho, ng paghahasik mo sa bukid;+ at ang Kapistahan ng Pagtitipon ng Ani* sa pagtatapos ng taon, kung kailan tinitipon mo mula sa bukid ang mga bunga ng iyong pagtatrabaho.+

  • Levitico 23:34-36
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 34 “Sabihin mo sa mga Israelita, ‘Sa ika-15 araw ng ikapitong buwan, ipagdiriwang ninyo para kay Jehova ang Kapistahan ng mga Kubol* nang pitong araw.+ 35 Magkakaroon ng isang banal na kombensiyon sa unang araw, at wala kayong gagawing anumang mabigat na trabaho. 36 Pitong araw kayong mag-aalay ng handog kay Jehova na pinaraan sa apoy. Sa ikawalong araw, dapat kayong magdaos ng isang banal na kombensiyon+ at mag-alay ng isang handog kay Jehova na pinaraan sa apoy. Ito ay isang banal na pagtitipon. Wala kayong gagawing anumang mabigat na trabaho.

  • Deuteronomio 16:13-15
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 13 “Ipagdiwang ninyo ang Kapistahan ng mga Kubol*+ nang pitong araw kapag tinitipon na ninyo ang inyong mga ani mula sa giikan at ang langis at alak mula sa inyong pisaan. 14 Magsaya kayo sa panahon ng kapistahan,+ pati ang inyong anak na lalaki at babae at aliping lalaki at babae, ang mga Levita, dayuhang naninirahang kasama ninyo, batang walang ama, at biyuda, na nasa mga lunsod ninyo. 15 Pitong araw ninyong ipagdiriwang ang kapistahan+ para sa Diyos ninyong si Jehova sa lugar na pipiliin ni Jehova, dahil pagpapalain ng Diyos ninyong si Jehova ang lahat ng aanihin ninyo at lahat ng ginagawa ninyo,+ at tiyak na magsasaya kayo.+

  • Nehemias 8:14-18
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 14 Pagkatapos, nakita nilang nakasulat sa Kautusan na iniutos ni Jehova sa pamamagitan ni Moises na ang mga Israelita ay dapat tumira sa mga kubol* sa panahon ng kapistahan sa ikapitong buwan,+ 15 at dapat nilang ipahayag+ at ipaalám sa lahat ng kanilang lunsod at sa buong Jerusalem: “Pumunta kayo sa mabundok na rehiyon at kumuha ng madahong mga sanga mula sa mga puno ng olibo, pino, mirto, palma, at iba pang puno para gumawa ng mga kubol, ayon sa nasusulat.”

      16 Kaya umalis ang bayan at kumuha ng mga iyon para gumawa ng kubol sa kani-kanilang bubong, looban, pati na sa mga looban* ng bahay ng tunay na Diyos,+ sa liwasan ng Pintuang-Daan ng Tubig,+ at sa liwasan ng Pintuang-Daan ng Efraim.+ 17 Kaya ang lahat ng bumalik mula sa pagkabihag ay gumawa ng mga kubol at tumira sa mga iyon; ngayon na lang ito ginawa ng mga Israelita sa ganitong paraan mula noong panahon ni Josue+ na anak ni Nun, kaya nagkaroon ng napakalaking pagsasaya.+ 18 At araw-araw na binasa ang aklat ng Kautusan ng tunay na Diyos,+ mula nang unang araw hanggang sa huling araw. At pitong araw nilang ipinagdiwang ang kapistahan, at nagkaroon ng isang banal na pagtitipon sa ikawalong araw, ayon sa hinihiling ng Kautusan.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share