Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Deuteronomio 32:39
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 39 Makikita ninyo ngayon na ako nga ang Diyos,+

      At walang ibang diyos maliban sa akin.+

      Pumapatay ako at bumubuhay.+

      Nanunugat ako+ at nagpapagaling,+

      At walang makakaagaw ng sinuman sa kamay ko.+

  • 1 Samuel 2:6
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    •  6 Si Jehova ay pumapatay at nag-iingat ng buhay;*

      Nagbababa siya sa Libingan* at nagbabangon.+

  • 2 Hari 4:32
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 32 Pagdating ni Eliseo sa bahay, nakita niya sa higaan niya ang batang namatay.+

  • 2 Hari 4:34
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 34 Pagkatapos, sumampa siya sa higaan at dumapa sa bata at idinikit ang bibig niya sa bibig ng bata, ang mga mata niya sa mga mata nito, at ang mga palad niya sa mga palad nito, at nanatili siyang nakadapa sa bata, at ang katawan ng bata ay unti-unting uminit.+

  • 2 Hari 13:21
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 21 Minsan, habang may mga lalaking naglilibing, nakita nila ang grupo ng mga mandarambong, kaya basta na lang nila inihagis ang bangkay sa libingan ni Eliseo at tumakbo. Nang mapadikit ang bangkay sa mga buto ni Eliseo, nabuhay ito+ at tumayo.

  • Lucas 7:15
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 15 Umupo ang taong patay at nagsalita, at ibinigay siya ni Jesus sa kaniyang ina.+

  • Lucas 8:54, 55
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 54 Pero hinawakan niya ang kamay ng bata at sinabi: “Anak, bumangon ka!”+ 55 At nabuhay siyang muli,*+ at agad siyang bumangon,+ at iniutos ni Jesus na bigyan siya ng pagkain.

  • Juan 5:28, 29
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 28 Huwag kayong mamangha rito, dahil darating ang panahon na ang lahat ng nasa mga libingan* ay makaririnig sa tinig niya+ 29 at mabubuhay silang muli—ang mga gumawa ng mabubuting bagay, tungo sa pagkabuhay-muli sa buhay, pero ang mga gumawa ng masasamang bagay, tungo sa paghatol.+

  • Juan 11:44
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 44 At lumabas ang taong namatay, na nababalutan ng tela ang mga paa at kamay, pati ang mukha. Sinabi ni Jesus: “Alisin ninyo ang nakabalot sa kaniya para makalakad siya.”

  • Gawa 9:40, 41
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 40 Pagkatapos, pinalabas ni Pedro ang lahat;+ lumuhod siya at nanalangin. Paglapit niya sa bangkay, sinabi niya: “Tabita, bumangon ka!” Dumilat ito at umupo nang makita si Pedro.+ 41 Hinawakan ni Pedro ang kamay nito at itinayo ito. Pagkatapos, tinawag niya ang mga alagad* at ang mga biyuda at ipinakitang buháy na si Tabita.+

  • Gawa 20:9, 10
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 9 Nakaupo sa bintana ang kabataang lalaki na si Eutico, at habang nagsasalita si Pablo, nakatulog siya nang mahimbing kaya nahulog siya mula sa ikatlong palapag at namatay. 10 Pero bumaba si Pablo, dumapa sa kabataan at niyakap ito+ at sinabi: “Huwag na kayong mag-alala, dahil buháy siya.”*+

  • Roma 14:9
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 9 Ito ang dahilan kaya namatay si Kristo at nabuhay-muli, para maging Panginoon siya ng mga patay at mga buháy.+

  • Hebreo 11:17
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 17 Dahil sa pananampalataya, nang subukin si Abraham,+ para na rin niyang inihandog si Isaac—ang tao na masayang tumanggap ng mga pangako ay nagtangkang ihandog ang kaisa-isa niyang anak+—

  • Hebreo 11:19
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 19 Pero inisip niya na kaya ng Diyos na buhayin itong muli, at ibinalik nga sa kaniya ang anak niya mula sa kamatayan sa makasagisag na paraan.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share