Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Levitico 18:24
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 24 “‘Huwag kayong magpakarumi sa paggawa ng alinman sa mga ito, dahil ang mga bansang palalayasin ko sa harap ninyo ay nagpapakarumi dahil sa mga bagay na ito.+

  • Bilang 35:33, 34
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 33 “‘Huwag ninyong parurumihin ang lupaing tinitirhan ninyo, dahil naparurumi ng dugo ang lupain,+ at walang ibang pambayad-sala para sa dugo ng taong pinatay sa lupain maliban sa dugo ng taong pumatay rito.+ 34 Huwag mong parurumihin ang tinitirhan ninyong lupain, kung saan ako naninirahan; dahil akong si Jehova ay naninirahan sa gitna ng bayang Israel.’”+

  • 2 Cronica 33:9
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 9 Patuloy na iniligaw ni Manases ang Juda at ang mga taga-Jerusalem, kaya mas masahol pa ang ginawa nila kaysa sa ginawa ng mga bansang nilipol ni Jehova sa harap ng mga Israelita.+

  • Jeremias 3:1
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 3 Itinatanong ng mga tao: “Kung paalisin ng isang lalaki ang asawa niya at umalis ito at maging asawa ng iba, puwede pa ba niya itong balikan?”

      Hindi ba narumhan na ang lupaing iyon?+

      “Ibinenta mo ang sarili mo sa maraming mangingibig,+

      Pagkatapos ay babalik ka ngayon sa akin?” ang sabi ni Jehova.

  • Jeremias 23:10, 11
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 10 Ang lupain ay punô ng mga mangangalunya;+

      Dahil sa sumpa, nagdadalamhati ang lupain+

      At natuyo ang mga pastulan sa ilang.+

      Napakasama ng pamumuhay nila, at inaabuso nila ang kapangyarihan nila.

      11 “Ang propeta at ang saserdote ay parehong marumi.*+

      Kahit sa sarili kong bahay ay nakita ko ang kasamaan nila,”+ ang sabi ni Jehova.

  • Panaghoy 4:13
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 13 Iyon ay dahil sa mga kasalanan ng mga propeta niya, sa mga pagkakamali ng mga saserdote niya,+

      Na nagpadanak ng dugo ng mga matuwid sa gitna niya.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share