Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • 1 Hari 17:9, 10
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 9 “Pumunta ka sa Zarepat, na sakop ng Sidon, at manatili ka roon. Uutusan ko ang isang biyuda roon na paglaanan ka ng pagkain.”+ 10 Kaya pumunta siya sa Zarepat. Pagdating niya sa pasukan ng lunsod, nakita niya ang isang biyuda na namumulot ng mga piraso ng kahoy. Sinabi niya rito: “Pakisuyo, bigyan mo ako ng kaunting tubig na maiinom.”+

  • 1 Hari 17:20-23
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 20 Nanalangin siya kay Jehova: “O Jehova na aking Diyos,+ magdadala ka rin ba ng kapahamakan sa biyuda na nagpatulóy sa akin? Hahayaan mo bang mamatay ang anak niya?” 21 Dumapa siya sa bata nang tatlong ulit, at nanalangin siya kay Jehova: “O Jehova na aking Diyos, pakisuyo, buhayin mong muli ang batang ito.” 22 Nakinig si Jehova sa hiling ni Elias,+ at nabuhay ang bata.+ 23 Kinuha ni Elias ang bata at ibinaba ito mula sa silid sa bubungan ng bahay at ibinigay ito sa kaniyang ina; at sinabi ni Elias: “Tingnan mo, buháy ang anak mo.”+

  • 2 Hari 4:8
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 8 Isang araw, pumunta si Eliseo sa Sunem,+ kung saan may isang kilalang babae, at pinilit siya nito na kumain doon.+ Sa tuwing mapapadaan siya sa lugar na iyon, kumakain siya roon.

  • 2 Hari 4:13-17
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 13 At sinabi ni Eliseo kay Gehazi: “Pakisabi mo sa babae, ‘Ang dami mo nang sakripisyo para sa amin.+ Ano ang puwede naming gawin para sa iyo?+ May gusto ka bang hilingin sa hari+ o sa pinuno ng hukbo? Ako ang kakausap.’” Pero sinabi ng babae: “Nakatira ako sa sarili kong bayan.” 14 Kaya sinabi ni Eliseo: “Ano kaya ang puwede nating gawin para sa kaniya?” Sinabi ngayon ni Gehazi: “Wala siyang anak na lalaki,+ at matanda na ang asawa niya.” 15 Agad niyang sinabi: “Tawagin mo siya.” Kaya tinawag ito ni Gehazi, at tumayo ito sa may pintuan. 16 Pagkatapos, sinabi ni Eliseo: “Sa ganitong panahon sa susunod na taon, may kakargahin ka nang anak na lalaki.”+ Pero sinabi nito: “Huwag, panginoon ko, lingkod ng tunay na Diyos! Huwag kang magsinungaling sa iyong lingkod.”

      17 Pero nagdalang-tao ang babae at nagsilang ng isang anak na lalaki nang panahon ding iyon nang sumunod na taon, gaya ng sinabi sa kaniya ni Eliseo.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share