-
Levitico 15:25Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
25 “‘Kung may lumalabas na dugo sa isang babae sa loob ng maraming araw+ kahit hindi naman panahon ng pagreregla niya,+ o kung mas matagal ang pagreregla niya kaysa sa karaniwan, magiging marumi siya sa buong panahong may lumalabas na dugo sa kaniya, gaya ng mga araw ng pagiging marumi niya dahil sa pagreregla.
-
-
Mateo 9:20-22Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
20 At isang babaeng 12 taon nang dinudugo+ ang lumapit sa likuran niya at hinipo nito ang palawit ng damit niya,+ 21 dahil paulit-ulit nitong sinasabi sa sarili: “Mahipo ko lang ang damit niya, gagaling ako.” 22 Lumingon si Jesus, at nang mapansin niya ang babae ay sinabi niya: “Anak, lakasan mo ang loob mo! Pinagaling ka ng pananampalataya mo.”+ At nang oras ding iyon ay gumaling ang babae.+
-