Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Marcos 5:25-34
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 25 Ngayon, may isang babae na 12 taon nang dinudugo.+ 26 Nahirapan siya sa kamay ng maraming manggagamot at naubos na ang lahat ng pag-aari niya, pero hindi bumuti ang kondisyon niya, sa halip, lumala pa ito. 27 Nang mabalitaan niya ang tungkol kay Jesus, nakipagsiksikan siya sa mga tao at lumapit sa likuran ni Jesus at hinipo ang damit nito,+ 28 dahil paulit-ulit niyang sinasabi: “Mahipo ko lang kahit ang damit niya, gagaling ako.”+ 29 At tumigil agad ang pagdurugo niya at naramdaman niyang magaling na siya at wala na ang sakit na nagpapahirap sa kaniya.

      30 Agad na naramdaman ni Jesus na may lumabas na kapangyarihan+ sa kaniya, at lumingon siya sa mga tao at nagsabi: “Sino ang humipo sa damit ko?”+ 31 Sinabi ng mga alagad niya: “Sinisiksik ka ng mga tao, kaya bakit mo itinatanong, ‘Sino ang humipo sa akin?’” 32 Pero tumingin siya sa paligid para makita kung sino ang gumawa nito. 33 Alam ng babae na gumaling siya. Takot na takot siya at nanginginig na lumapit kay Jesus at sumubsob sa paanan nito, at sinabi niya ang buong katotohanan. 34 Sinabi ni Jesus sa kaniya: “Anak, pinagaling ka ng pananampalataya mo. Umuwi ka na at huwag nang mag-alala.+ Wala na ang sakit na nagpapahirap sa iyo.”+

  • Marcos 6:56
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 56 At kahit saan siya magpunta, anumang nayon o lunsod o kalapít na lupain, dinadala nila sa mga pamilihan ang mga maysakit, at nakikiusap sila sa kaniya na hayaan silang hipuin man lang ang palawit ng damit niya.+ At ang lahat ng humipo rito ay gumaling.

  • Lucas 8:43-48
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 43 At may isang babae na 12 taon nang dinudugo,+ at walang makapagpagaling sa kaniya.+ 44 Lumapit ang babae sa likuran ni Jesus at hinipo ang palawit ng damit niya,+ at huminto agad ang pagdurugo niya. 45 Kaya sinabi ni Jesus: “Sino ang humipo sa akin?” Nang walang umaamin, sinabi ni Pedro: “Guro, sinisiksik ka ng napakaraming tao.”+ 46 Pero sinabi ni Jesus: “May humipo sa akin dahil alam kong may kapangyarihang+ lumabas sa akin.” 47 Nang makita ng babae na hindi niya maililihim ang ginawa niya, lumapit siyang nanginginig at sumubsob sa paanan ni Jesus at sinabi sa harap ng lahat ng tao kung bakit niya hinipo si Jesus at kung paano siya agad na gumaling. 48 Pero sinabi ni Jesus: “Anak, pinagaling ka ng pananampalataya mo. Umuwi ka na at huwag nang mag-alala.”+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share