Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Mateo 9:20-22
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 20 At isang babaeng 12 taon nang dinudugo+ ang lumapit sa likuran niya at hinipo nito ang palawit ng damit niya,+ 21 dahil paulit-ulit nitong sinasabi sa sarili: “Mahipo ko lang ang damit niya, gagaling ako.” 22 Lumingon si Jesus, at nang mapansin niya ang babae ay sinabi niya: “Anak, lakasan mo ang loob mo! Pinagaling ka ng pananampalataya mo.”+ At nang oras ding iyon ay gumaling ang babae.+

  • Marcos 5:25-29
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 25 Ngayon, may isang babae na 12 taon nang dinudugo.+ 26 Nahirapan siya sa kamay ng maraming manggagamot at naubos na ang lahat ng pag-aari niya, pero hindi bumuti ang kondisyon niya, sa halip, lumala pa ito. 27 Nang mabalitaan niya ang tungkol kay Jesus, nakipagsiksikan siya sa mga tao at lumapit sa likuran ni Jesus at hinipo ang damit nito,+ 28 dahil paulit-ulit niyang sinasabi: “Mahipo ko lang kahit ang damit niya, gagaling ako.”+ 29 At tumigil agad ang pagdurugo niya at naramdaman niyang magaling na siya at wala na ang sakit na nagpapahirap sa kaniya.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share