-
Marcos 5:25-28Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
25 Ngayon, may isang babae na 12 taon nang dinudugo.+ 26 Nahirapan siya sa kamay ng maraming manggagamot at naubos na ang lahat ng pag-aari niya, pero hindi bumuti ang kondisyon niya, sa halip, lumala pa ito. 27 Nang mabalitaan niya ang tungkol kay Jesus, nakipagsiksikan siya sa mga tao at lumapit sa likuran ni Jesus at hinipo ang damit nito,+ 28 dahil paulit-ulit niyang sinasabi: “Mahipo ko lang kahit ang damit niya, gagaling ako.”+
-