-
Lucas 6:12-16Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
12 Nang mga panahong iyon, pumunta siya sa bundok para manalangin,+ at buong gabi siyang nanalangin sa Diyos.+ 13 Nang umaga na, tinawag niya ang mga alagad niya at pumili sa kanila ng 12, at tinawag niya silang mga apostol:+ 14 si Simon na tinawag din niyang Pedro, si Andres na kapatid nito, si Santiago, si Juan, si Felipe,+ si Bartolome, 15 si Mateo, si Tomas,+ si Santiago na anak ni Alfeo, si Simon na tinatawag na “masigasig,” 16 si Hudas na anak ni Santiago, at si Hudas Iscariote na naging traidor.
-