Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Mateo 7:15
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 15 “Mag-ingat kayo sa huwad na mga propeta+ na lumalapit sa inyo na nakadamit-tupa,+ pero sa loob ay hayok na mga lobo.*+

  • Gawa 20:29, 30
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 29 Alam ko na pag-alis ko ay papasok sa gitna ninyo ang malulupit na lobo*+ na hindi makikitungo nang magiliw sa kawan, 30 at mula sa inyo mismo ay may lilitaw na mga taong pipilipit sa katotohanan para ilayo ang mga alagad at pasunurin sa kanila.+

  • 2 Tesalonica 2:3
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 3 Huwag kayong magpalinlang kaninuman sa anumang paraan, dahil bago iyon dumating, magkakaroon muna ng apostasya+ at masisiwalat ang napakasamang tao,*+ ang anak ng pagkapuksa.+

  • 2 Tesalonica 2:7
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 7 Totoo, nagsisimula na nang palihim ang kasamaan ng taong ito,+ pero mananatili itong lihim hanggang sa mawala ang nagsisilbing pamigil.

  • 2 Pedro 2:1
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 2 Pero nagkaroon din ng huwad na mga propeta sa bayan, kung paanong magkakaroon din ng huwad na mga guro sa inyo.+ Ang mga ito ay palihim na magpapasok ng mapanirang mga sekta, at ikakaila pa nga nila ang nagmamay-ari at bumili sa kanila,+ at dahil dito ay agad silang mapupuksa.

  • Apocalipsis 2:2
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 2 ‘Alam ko ang mga ginagawa mo, at ang iyong pagsisikap at pagtitiis,* at na hindi mo kinukunsinti ang masasamang tao, at na sinusubok mo ang mga nagsasabing apostol sila,+ pero hindi sila gayon, at nakita mong sinungaling sila.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share