Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Mateo 19:28
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 28 Sinabi ni Jesus sa kanila: “Sinasabi ko sa inyo, sa panahong gagawin nang bago ang lahat ng bagay,* kapag ang Anak ng tao ay umupo sa kaniyang maluwalhating trono, kayo na sumunod sa akin ay uupo rin sa 12 trono para humatol sa 12 tribo ng Israel.+

  • Apocalipsis 20:4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 4 At nakakita ako ng mga trono, at ang mga nakaupo sa mga iyon ay binigyan ng awtoridad na humatol. Oo, nakita ko ang dugo ng mga pinatay* dahil sa pagpapatotoo nila tungkol kay Jesus at pagsasalita tungkol sa Diyos, ang mga hindi sumamba sa mabangis na hayop o sa estatuwa nito at hindi tumanggap ng marka sa noo at kamay nila.+ At nabuhay sila at nagharing kasama ng Kristo+ sa loob ng 1,000 taon.

  • Apocalipsis 20:6
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 6 Maligaya at banal ang sinumang kasama sa unang pagkabuhay-muli;+ walang awtoridad sa kanila ang ikalawang kamatayan,+ kundi sila ay magiging mga saserdote+ ng Diyos at ng Kristo, at maghahari silang kasama niya sa loob ng 1,000 taon.+

  • Apocalipsis 22:5
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 5 Gayundin, ang gabi ay mawawala na,+ at hindi nila kakailanganin ang liwanag ng lampara o ng araw, dahil ang Diyos na Jehova* ang magbibigay ng liwanag sa kanila,+ at maghahari sila magpakailanman.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share