Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Genesis 19:4, 5
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 4 Bago sila humiga para matulog, ang mga lalaki sa lunsod—ang lahat ng lalaki sa Sodoma mula bata hanggang matanda—ay pumalibot sa bahay at nanggulo. 5 Paulit-ulit nilang tinatawag si Lot at sinasabi: “Nasaan ang mga lalaki na pumunta sa bahay mo ngayong gabi? Ilabas mo sila sa amin para masipingan namin sila.”+

  • Levitico 20:13
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 13 “‘Kung ang isang lalaki ay sumiping sa isang lalaki kung paanong sumisiping ang isa sa isang babae, silang dalawa ay nakagawa ng kasuklam-suklam na bagay.+ Dapat silang patayin. Sila ang dahilan ng sarili nilang kamatayan.*

  • Roma 1:27
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 27 at ayaw na ng mga lalaki na makipagtalik sa mga babae, kundi naging napakatindi ng pagnanasa nila sa kapuwa lalaki+ at gumagawa sila ng kalaswaan, kaya pinagbabayaran nila ang kasalanan nila.+

  • 1 Corinto 6:9, 10
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 9 Hindi ba ninyo alam na ang mga di-matuwid ay hindi magmamana ng Kaharian ng Diyos?+ Huwag kayong magpalinlang. Ang mga imoral,+ sumasamba sa idolo,+ mangangalunya,+ lalaking nagpapagamit sa kapuwa lalaki,+ lalaking nagsasagawa ng gawaing homoseksuwal,+ 10 magnanakaw, sakim,+ lasenggo,+ manlalait, at mangingikil+ ay hindi magmamana ng Kaharian ng Diyos.+

  • Judas 7
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 7 Ganoon din ang Sodoma at Gomorra at ang mga lunsod sa palibot nila na nagpakasasa sa seksuwal na imoralidad* at sumunod sa di-likas na pagnanasa ng laman;+ nagsisilbi silang babalang halimbawa sa atin sa dinanas nilang parusang hatol na walang-hanggang apoy.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share