Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • 1 Corinto 6:9
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 9 Hindi ba ninyo alam na ang mga di-matuwid ay hindi magmamana ng Kaharian ng Diyos?+ Huwag kayong magpalinlang. Ang mga imoral,*+ sumasamba sa idolo,+ mangangalunya,+ lalaking nagpapagamit sa kapuwa lalaki,+ lalaking nagsasagawa ng gawaing homoseksuwal,*+

  • 1 Corinto 6:9
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 9 Ano! Hindi ba ninyo alam na ang mga taong di-matuwid ay hindi magmamana ng kaharian ng Diyos?+ Huwag kayong palíligaw. Hindi ang mga mapakiapid,+ ni ang mga mananamba sa idolo,+ ni ang mga mangangalunya,+ ni ang mga lalaking iniingatan ukol sa di-likas na mga layunin,+ ni ang mga lalaking sumisiping sa mga lalaki,+

  • 1 Corinto
    Tulong sa Pag-aaral ng mga Saksi ni Jehova—2019 Edisyon
    • 6:9

      Masayang Buhay Magpakailanman, aralin 31

      Ang Bantayan,

      5/1/2008, p. 21-22

      Gumising!,

      2/22/1995, p. 13

      8/22/1986, p. 15-16

  • Mga Study Note sa 1 Corinto—Kabanata 6
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 6:9

      mga imoral: Tingnan ang study note sa 1Co 5:9.

      mangangalunya: Tumutukoy sa mga taong nagsasagawa ng seksuwal na imoralidad na sumisira sa pagsasama ng isang mag-asawa. Sa Bibliya, ang pangangalunya ay ang kusang pagsasagawa ng imoral na seksuwal na mga gawain ng isang taong may asawa at ng hindi niya asawa.—Tingnan sa Glosari, “Pangangalunya”; at study note sa Mat 5:27, 32; Mar 10:11.

      lalaking nagpapagamit sa kapuwa lalaki, lalaking nagsasagawa ng gawaing homoseksuwal: Dalawang magkaibang salita ang ginamit dito sa tekstong Griego. Ang unang salita (sa Griego, ma·la·kosʹ) ay pangunahin nang nangangahulugang “malambot” (ihambing ang Luc 7:25), kaya sa kontekstong ito, lumilitaw na tumutukoy ito sa malambot na lalaki sa isang ugnayang homoseksuwal. Kaya isinalin itong lalaking nagpapagamit sa kapuwa lalaki. Ang ikalawang salita (sa Griego, ar·se·no·koiʹtes), na literal na nangangahulugang “lalaking sumisiping sa lalaki,” ay ginamit din sa 1Ti 1:10. Lumilitaw na tumutukoy naman ito sa isa na mas nakakapagpakita ng mga panlalaking katangian sa isang homoseksuwal na ugnayan. Kaya isinalin itong lalaking nagsasagawa ng gawaing homoseksuwal, o “lalaking nakikipagtalik sa lalaki.” Nang banggitin ni Pablo ang dalawang klaseng ito ng homoseksuwal, malinaw niyang ipinakita na kinasusuklaman ng Diyos ang lahat ng homoseksuwal na gawain.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share