Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • 1 Hari 17:15, 16
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 15 Kaya umalis ang babae at ginawa ang sinabi ni Elias, at ang babae, ang pamilya niya, at si Elias ay hindi nawalan ng pagkain sa loob ng maraming araw.+ 16 Ang malaking banga ng harina ay hindi naubusan ng laman, at ang maliit na banga ng langis ay hindi natuyuan, gaya ng sinabi ni Jehova sa pamamagitan ni Elias.

  • 1 Hari 17:22
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 22 Nakinig si Jehova sa hiling ni Elias,+ at nabuhay ang bata.+

  • 1 Hari 17:24
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 24 Kaya sinabi ng babae kay Elias: “Alam ko na ngayon na talagang lingkod ka ng Diyos+ at na totoo ang mensahe ni Jehova na sinasabi mo.”

  • 1 Hari 18:36
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 36 Nang oras na ng pag-aalay ng handog na mga butil sa gabi,+ lumapit ang propetang si Elias at nagsabi: “O Jehova, na Diyos ni Abraham,+ ni Isaac,+ at ni Israel, ngayon ay ipakilala mo na ikaw ay Diyos sa Israel at ako ang lingkod mo at na iniutos mo ang lahat ng bagay na ito na ginawa ko.+

  • 1 Hari 18:38
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 38 At bumulusok ang apoy ni Jehova at tinupok ang handog na sinusunog,+ ang mga piraso ng kahoy, ang mga bato, at ang alabok, at tinuyo nito ang tubig na nasa hukay.+

  • 1 Hari 18:46
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 46 Pero binigyan ni Jehova ng kapangyarihan si Elias, at ibinigkis niya sa kaniyang balakang ang damit niya at tumakbo siya at naunahan pa si Ahab sa Jezreel.

  • 2 Hari 2:8
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 8 Pagkatapos, kinuha ni Elias ang kaniyang opisyal na damit,+ inirolyo iyon, at inihampas sa tubig, at nahati ang tubig, kaya tumawid silang dalawa sa tuyong lupa.+

  • 2 Hari 2:11
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 11 Habang naglalakad sila at nag-uusap, bigla silang pinaghiwalay ng isang maapoy na karwahe* at maapoy na mga kabayo,+ at si Elias ay dinala sa kalangitan* ng isang buhawi.+

  • Lucas 1:17
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 17 Gayundin, mauuna siya sa Diyos* taglay ang sigla at lakas ni Elias,+ para ang puso ng mga ama ay gawing tulad ng sa mga anak+ at para tulungan ang mga masuwayin na maging marunong at gawin ang tama, nang sa gayon ay maihanda ang mga tao para kay Jehova.”+

  • Juan 1:19
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 19 Nagsugo ang mga Judio ng mga saserdote at mga Levita mula sa Jerusalem para tanungin si Juan: “Sino ka ba?”+

  • Juan 1:21
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 21 Tinanong nila siya: “Kung gayon, ikaw ba si Elias?”+ Sumagot siya: “Hindi ako.”+ “Ikaw ba ang Propeta?”+ Sumagot siya: “Hindi!”

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share