-
2 Hari 2:15, 16Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
15 Nang makita siya sa malayo ng mga anak ng mga propetang nasa Jerico, sinabi nila: “Ang espiritu ni Elias ay pumunta kay Eliseo.”+ Kaya lumapit sila sa kaniya at sumubsob sa harap niya. 16 Sinabi nila sa kaniya: “Mayroon ditong 50 may-kakayahang lalaki kasama ng mga lingkod mo. Pakisuyo, ipahanap mo sa kanila ang iyong panginoon. Baka itinaas siya ng espiritu* ni Jehova at inihagis sa isa sa mga bundok o sa isa sa mga lambak.”+ Pero sinabi niya: “Huwag ninyo silang isugo.”
-
-
Gawa 8:39Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
39 Pagkaahon sa tubig, si Felipe ay agad na inakay palayo ng espiritu ni Jehova, at hindi na siya nakita pa ng mataas na opisyal, pero masaya itong nagpatuloy sa paglalakbay.
-