Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Marcos 1:12, 13
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 12 At agad siyang inudyukan ng espiritu na pumunta sa ilang. 13 Kaya nanatili siya sa ilang nang 40 araw, at tinukso siya roon ni Satanas.+ May maiilap na hayop doon, pero pinaglilingkuran siya ng mga anghel.+

  • Lucas 4:1-4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 4 Pagkatapos, si Jesus na puspos ng banal na espiritu ay umalis sa Jordan; inakay siya ng espiritu sa ilang+ 2 sa loob ng 40 araw, at tinukso siya roon ng Diyablo.+ Hindi siya kumain, kaya pagkatapos ng mga araw na iyon, nagutom siya. 3 Sinabi sa kaniya ng Diyablo: “Kung ikaw ay anak ng Diyos, utusan mo ang batong ito na maging tinapay.” 4 Pero sumagot si Jesus: “Nasusulat, ‘Ang tao ay hindi mabubuhay sa tinapay lang.’”+

  • Juan 8:44
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 44 Kayo ay mula sa inyong amang Diyablo, at gusto ninyong gawin ang mga kagustuhan ng inyong ama.+ Mamamatay-tao siya nang siya ay magsimula,+ at hindi siya nanindigan sa katotohanan, dahil wala sa kaniya ang katotohanan. Nagsisinungaling siya dahil iyon ang personalidad niya, dahil isa siyang sinungaling at siya ang ama ng kasinungalingan.+

  • Hebreo 2:14
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 14 Kaya dahil ang “mga anak” ay mga kabahagi sa dugo at laman, naging kabahagi rin siya sa gayong mga bagay,+ para sa pamamagitan ng kamatayan niya ay mapuksa niya ang nagdudulot ng kamatayan,+ ang Diyablo,+

  • Judas 9
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 9 Pero nang si Miguel+ na arkanghel+ at ang Diyablo ay magtalo tungkol sa katawan ni Moises,+ hindi nangahas si Miguel na hatulan ang Diyablo gamit ang mapang-abusong mga salita,+ kundi nagsabi: “Sawayin ka nawa ni Jehova.”*+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share