-
Exodo 34:15, 16Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
15 Bantayan mo ang iyong sarili nang hindi ka makipagtipan sa mga nakatira sa lupain, dahil kapag nakikiapid* sila sa mga diyos nila at naghahain sa mga ito,+ may mag-aanyaya sa iyo at kakain ka ng hain niya.+ 16 At tiyak na kukunin mo ang ilan sa mga anak nilang babae para sa mga anak mong lalaki,+ at ang mga anak nilang babae ay makikiapid* sa mga diyos nila at hihikayatin ang mga anak mong lalaki na makiapid din sa mga diyos nila.+
-
-
Deuteronomio 7:3, 4Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
3 Huwag kayong makipag-alyansa sa kanila sa pag-aasawa. Huwag ninyong ibigay ang inyong anak na babae sa anak nilang lalaki o kunin ang anak nilang babae para sa inyong anak na lalaki.+ 4 Dahil itatalikod nila sa akin ang inyong mga anak at maglilingkod ang mga ito sa ibang mga diyos;+ at lalagablab ang galit ni Jehova at agad kayong lilipulin.+
-
-
Josue 23:12, 13Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
12 “Pero kung tatalikod kayo sa Diyos at makikiisa sa mga bansang naninirahan pang kasama ninyo,+ mag-aasawa ng sinuman mula sa kanila,+ at makikipagkaibigan sa kanila, 13 makakatiyak kayong hindi na itataboy ni Jehova na inyong Diyos ang mga bansang ito* para sa inyo.+ Sila ay magiging bitag at silo sa inyo at hagupit sa mga tagiliran ninyo+ at tinik sa mga mata ninyo hanggang sa malipol kayo mula sa magandang lupaing ito na ibinigay sa inyo ni Jehova na inyong Diyos.
-