Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Isaias 28:16
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 16 Kaya ito ang sinabi ng Kataas-taasang* Panginoong Jehova:

      “Ginagawa kong pundasyon sa Sion ang isang subok na bato,+

      Ang mahalagang batong-panulok+ ng isang matibay na pundasyon.+

      Walang sinumang nananampalataya ang matatakot.+

  • Lucas 20:17
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 17 Pero tiningnan niya sila at sinabi: “Kung gayon, ano ang kahulugan ng sinasabi sa Kasulatan: ‘Ang bato na itinakwil ng mga tagapagtayo ang naging pangunahing batong-panulok’?+

  • Gawa 4:11
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 11 Siya ‘ang bato na winalang-halaga ninyong mga tagapagtayo pero naging pangunahing batong-panulok.’+

  • 1 Corinto 3:11
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 11 Dahil walang makapaglalagay ng iba pang pundasyon maliban sa nailagay na, si Jesu-Kristo.+

  • Efeso 2:19, 20
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 19 Kaya hindi na kayo mga estranghero at dayuhan,+ kundi mga mamamayan+ kasama ng mga banal at mga miyembro na ng sambahayan ng Diyos,+ 20 at itinayo kayo sa pundasyon ng mga apostol at mga propeta,+ at si Kristo Jesus mismo ang pinakamahalagang batong pundasyon.*+

  • 1 Pedro 2:4-7
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 4 Sa paglapit ninyo sa kaniya, isang buháy na bato na itinakwil ng mga tao+ pero pinili at mahalaga sa Diyos,+ 5 kayo rin mismo bilang mga buháy na bato ay itinatayo bilang isang espirituwal na bahay+ para maging banal na mga saserdote, para maghandog ng espirituwal na mga haing+ kalugod-lugod sa Diyos sa pamamagitan ni Jesu-Kristo.+ 6 Dahil sinasabi sa Kasulatan: “Tingnan ninyo! Maglalagay ako sa Sion ng isang batong pinili, ang pinakamahalagang batong pundasyon,* at walang sinumang nananampalataya rito ang mabibigo.”*+

      7 Kaya mahalaga siya sa inyo, dahil nananampalataya kayo; pero sa mga hindi nananampalataya, “ang bato na itinakwil ng mga tagapagtayo+ ang naging pangunahing batong-panulok”*+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share