Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Awit 118:22
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 22 Ang bato na itinakwil ng mga tagapagtayo

      Ang naging pangunahing batong-panulok.*+

  • Isaias 28:16
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 16 Kaya ito ang sinabi ng Kataas-taasang* Panginoong Jehova:

      “Ginagawa kong pundasyon sa Sion ang isang subok na bato,+

      Ang mahalagang batong-panulok+ ng isang matibay na pundasyon.+

      Walang sinumang nananampalataya ang matatakot.+

  • Mateo 21:42
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 42 Sinabi ni Jesus sa kanila: “Hindi ba ninyo nabasa sa Kasulatan, ‘Ang bato na itinakwil ng mga tagapagtayo ang naging pangunahing batong-panulok.+ Nagmula ito kay Jehova at kahanga-hanga ito sa paningin natin’?+

  • Mateo 21:44
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 44 Gayundin, ang taong babagsak sa batong ito ay magkakaluray-luray;+ at ang sinumang mababagsakan nito ay madudurog.”+

  • Marcos 12:10, 11
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 10 Hindi ba ninyo nabasa ang kasulatang ito: ‘Ang bato na itinakwil ng mga tagapagtayo ang naging pangunahing batong-panulok.+ 11 Nagmula ito kay Jehova at kahanga-hanga ito sa paningin natin’?”+

  • Gawa 4:11
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 11 Siya ‘ang bato na winalang-halaga ninyong mga tagapagtayo pero naging pangunahing batong-panulok.’+

  • Roma 9:31-33
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 31 pero ang Israel, kahit nagsisikap na maging matuwid sa pamamagitan ng kautusan, ay hindi nakaabot sa tunguhin ng kautusang iyon. 32 Bakit? Dahil sinikap nilang maging matuwid sa pamamagitan ng mga gawa at hindi sa pamamagitan ng pananampalataya. Natisod sila sa “batong katitisuran”;+ 33 gaya ng nasusulat: “Tingnan ninyo! Maglalagay ako sa Sion ng isang batong+ katitisuran at isang malaking bato na haharang sa kanilang landas, pero ang mananampalataya rito ay hindi mabibigo.”+

  • 1 Pedro 2:7
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 7 Kaya mahalaga siya sa inyo, dahil nananampalataya kayo; pero sa mga hindi nananampalataya, “ang bato na itinakwil ng mga tagapagtayo+ ang naging pangunahing batong-panulok”*+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share