-
Lucas 1:5, 6Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
5 Noong panahon ni Herodes,+ na hari ng Judea, may isang saserdote na nagngangalang Zacarias na mula sa grupo ni Abias.+ Ang asawa niya ay si Elisabet, na mula sa pamilya ni Aaron. 6 Pareho silang matuwid sa harap ng Diyos at hindi mapipintasan, dahil sinusunod nila ang lahat ng utos at kahilingan ng batas ni Jehova.
-