Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Jeremias 9:17, 18
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 17 Ito ang sinabi ni Jehova ng mga hukbo,

      ‘Kumilos kayo nang may unawa.

      Ipatawag ninyo ang mga babaeng umaawit ng awit ng pagdadalamhati;+

      Ipatawag ninyo ang mga babaeng bihasa,

      18 Para magmadali sila at magdalamhati para sa atin,

      Para umagos ang luha sa mga mata natin

      At pumatak ito mula sa talukap ng ating mga mata.+

  • Marcos 5:38-43
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 38 Kaya pumunta sila sa bahay ng punong opisyal ng sinagoga, at nakita niyang nagkakagulo ang mga tao at may mga umiiyak at humahagulgol nang malakas.+ 39 Pagpasok ni Jesus, sinabi niya sa kanila: “Bakit kayo umiiyak at nagkakagulo? Hindi namatay ang bata. Natutulog lang siya.”+ 40 At pinagtawanan siya ng mga tao. Matapos niyang palabasin silang lahat, isinama niya ang ama at ina ng bata at ang mga alagad niya sa kinaroroonan ng bata. 41 Hinawakan niya ang kamay ng bata at sinabi rito: “Talita kumi,” na kapag isinalin ay nangangahulugang “Dalagita, bumangon ka!”+ 42 At agad na bumangon ang dalagita at naglakad. (Siya ay 12 taóng gulang.) Nang makita ito ng mga magulang niya, nag-umapaw sa saya ang puso nila. 43 Pero paulit-ulit* silang pinagbilinan ni Jesus na huwag itong sabihin kahit kanino,+ at sinabi niyang bigyan ang bata ng makakain.

  • Lucas 8:52-56
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 52 Umiiyak ang lahat at sinusuntok ang dibdib nila sa pamimighati. Kaya sinabi niya: “Huwag na kayong umiyak,+ dahil hindi siya namatay. Natutulog lang siya.”+ 53 Pinagtawanan siya ng mga tao dahil alam nilang patay na ang bata. 54 Pero hinawakan niya ang kamay ng bata at sinabi: “Anak, bumangon* ka!”+ 55 At nabuhay siyang muli,+ at agad siyang bumangon,+ at iniutos ni Jesus na bigyan siya ng pagkain. 56 Samantala, nag-uumapaw sa saya ang mga magulang niya, pero inutusan niya silang huwag sabihin sa iba ang nangyari.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share