29 Kinabukasan, nakita niya si Jesus na papalapit sa kaniya. Sinabi niya: “Tingnan ninyo, ang Kordero+ ng Diyos na nag-aalis ng kasalanan+ ng sangkatauhan!+
31 Itinaas siya ng Diyos sa Kaniyang kanan+ bilang Punong Kinatawan+ at Tagapagligtas,+ para makapagsisi ang Israel at mapatawad sa mga kasalanan nila.+
7 Ayon sa kasaganaan ng walang-kapantay na kabaitan ng Diyos, nailaan ang pantubos sa pamamagitan ng dugo ng kaniyang anak+ at nabuksan ang daan para mapalaya tayo, oo, napatawad ang ating mga kasalanan.+
24 Siya ang nagdala ng mga kasalanan natin+ sa sarili niyang katawan sa tulos,*+ para tayo ay mamatay* na sa mga kasalanan at mabuhay sa katuwiran. At “sa pamamagitan ng mga sugat niya ay gumaling kayo.”+