Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Efeso 1:7
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 7 Ayon sa kasaganaan* ng walang-kapantay* na kabaitan ng Diyos, nailaan ang pantubos sa pamamagitan ng dugo ng kaniyang anak+ at nabuksan ang daan para mapalaya tayo, oo, napatawad ang ating mga kasalanan.+

  • Efeso 1:7
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 7 Sa pamamagitan niya ay taglay natin ang paglaya sa pamamagitan ng pantubos dahil sa dugo+ ng isang iyon, oo, ang kapatawaran+ ng ating mga pagkakamali, ayon sa kayamanan ng kaniyang di-sana-nararapat na kabaitan.+

  • Efeso
    Tulong sa Pag-aaral ng mga Saksi ni Jehova—2019 Edisyon
    • 1:7

      Ang Bantayan (Pag-aaral),

      7/2016, p. 27

      Ang Bantayan,

      10/15/2009, p. 28

      6/15/2004, p. 16-17

      6/15/2002, p. 6

      6/15/1991, p. 14

  • Mga Study Note sa Efeso—Kabanata 1
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 1:7

      Ayon sa kasaganaan ng walang-kapantay na kabaitan ng Diyos: O “Ayon sa kayamanan ng di-sana-nararapat na kabaitan ng Diyos.” Mayamang lunsod ang Efeso, pero idiniin ni Pablo sa liham niya na ang pagiging tunay na mayaman—mayaman sa espirituwal—ay dahil sa walang-kapantay na kabaitan ng Diyos. (Efe 1:18; 2:7; 3:8) Ginamit ni Pablo nang 12 beses sa liham niya sa mga taga-Efeso ang terminong Griego na isinaling “walang-kapantay na kabaitan.” Nang makipagkita siya sa matatandang lalaki sa Efeso sa isang naunang pagkakataon, binanggit din niya ang napakagandang katangiang ito.—Gaw 20:17, 24, 32; tingnan ang study note sa Gaw 13:43 at Glosari, “Walang-kapantay na kabaitan.”

      pantubos . . . para mapalaya tayo: Tingnan ang study note sa Mat 20:28; Ro 3:24 at Glosari, “Pantubos.”

      sa pamamagitan ng dugo ng kaniyang anak: Sa pamamagitan ng dugo ni Jesu-Kristo. Kahit na ginamit sa ilang salin ang salitang “kamatayan,” makikita sa literal na saling “dugo” ang konsepto sa Bibliya ng pagbabayad-sala sa pamamagitan ng dugo. (Tingnan sa Glosari, “Pagbabayad-sala.”) Sa Araw ng Pagbabayad-Sala, may itinakdang mga hayop na inihahain. Dinadala ng mataas na saserdote ang ilang bahagi ng dugo ng mga ito sa Kabanal-banalan ng tabernakulo o templo at inihaharap ito sa Diyos. (Lev 16:2-19) Natupad kay Jesus ang isinasagisag ng Araw ng Pagbabayad-Sala, gaya ng ipinaliwanag ni Pablo sa liham niya sa mga Hebreo. (Heb 9:11-14, 24, 28; 10:11-14) Kung paanong dinadala ng mataas na saserdote ang inihaing dugo sa Kabanal-banalan sa Araw ng Pagbabayad-Sala, iniharap ni Jesus sa Diyos sa langit ang halaga ng dugo niya.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share