-
Mateo 11:7-10Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
7 Nang paalis na ang mga ito, sinabi ni Jesus sa mga tao tungkol kay Juan: “Ano ang nakita ninyo sa ilang?+ Isang taong gaya ng tambo na hinahampas-hampas ng hangin? Hindi.+ 8 Kung gayon, ano ang nakita ninyo? Isang taong may malambot na damit?* Hindi. Ang mga nagsusuot ng malambot na damit ay nasa palasyo ng mga hari. 9 Kung gayon, sino talaga siya? Isang propeta? Oo, at sinasabi ko sa inyo, hindi lang siya basta propeta.+ 10 Siya ang tinutukoy sa Kasulatan: ‘Isinusugo ko ang aking mensahero* sa unahan mo,* na maghahanda ng iyong dadaanan!’+
-
-
Mateo 14:3-5Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
3 Inaresto ni Herodes si Juan at iginapos ito at ipinabilanggo dahil kay Herodias, na asawa ng kapatid niyang si Felipe,+ 4 dahil sinasabi ni Juan kay Herodes: “Hindi tamang gawin mo siyang asawa.”+ 5 Pero kahit gustong patayin ni Herodes si Juan, natatakot siya sa mga tao dahil propeta ang turing nila rito.+
-
-
Lucas 1:67Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
67 Pagkatapos, ang tatay niyang si Zacarias ay napuspos ng banal na espiritu at humula:
-