Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Mateo 9:35
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 35 At si Jesus ay lumibot sa lahat ng lunsod at nayon; nagtuturo siya sa kanilang mga sinagoga, nangangaral ng mabuting balita ng Kaharian, at nagpapagaling ng bawat uri ng sakit at kapansanan.+

  • Mateo 28:19, 20
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 19 Kaya humayo kayo at gumawa ng mga alagad mula sa mga tao ng lahat ng bansa,+ na binabautismuhan sila+ sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng banal na espiritu, 20 at itinuturo sa kanila na tuparin ang lahat ng iniutos ko sa inyo.+ At makakasama ninyo ako sa lahat ng araw hanggang sa katapusan ng sistemang ito.”+

  • Marcos 13:10
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 10 Gayundin, kailangan munang ipangaral ang mabuting balita sa lahat ng bansa.+

  • 1 Corinto 9:16
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 16 Ngayon, kung inihahayag ko ang mabuting balita, hindi dahilan iyon para magmalaki ako, dahil ang pananagutan ay nakaatang sa akin.+ Talagang kaawa-awa ako kung hindi ko ihahayag ang mabuting balita!+

  • Colosas 1:23
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 23 Pero siyempre, kailangan ninyong patuloy na mamuhay kaayon ng inyong pananampalataya,+ na nakatayong matatag+ sa pundasyon,+ hindi naililihis sa pag-asa na mula sa mabuting balitang iyon na narinig ninyo at ipinangangaral sa lahat ng nilalang sa buong lupa.+ Akong si Pablo ay naging lingkod* ng mabuting balitang iyon.+

  • 1 Pedro 1:12
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 12 Isiniwalat sa kanila na sila ay naglilingkod, hindi sa sarili nila, kundi sa inyo, may kinalaman sa sinabi na sa inyo ng mga naghayag ng mabuting balita taglay ang banal na espiritu na ipinadala mula sa langit.+ Ang mismong mga bagay na ito ay gustong-gustong malaman ng mga anghel.

  • Apocalipsis 14:6
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 6 At nakakita ako ng isa pang anghel na lumilipad sa himpapawid,* at mayroon siyang walang-hanggang mabuting balita para sa mga nakatira sa lupa, sa bawat bansa at tribo at wika at bayan.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share