-
Mateo 26:17-19Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
17 Nang unang araw ng Tinapay na Walang Pampaalsa,+ lumapit ang mga alagad kay Jesus at nagsabi: “Saan mo kami gustong maghanda ng hapunan para sa Paskuwa?”+ 18 Sinabi niya: “Pumunta kayo sa lunsod at makikita ninyo ang isang lalaki. Sabihin ninyo sa kaniya, ‘Sinabi ng Guro: “Ang takdang panahon ko ay malapit na; ipagdiriwang ko ang Paskuwa kasama ng mga alagad ko sa bahay mo.”’” 19 Sinunod ng mga alagad ang iniutos ni Jesus sa kanila, at naghanda sila para sa Paskuwa.
-