-
Exodo 12:14Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
14 “‘Dapat ninyong alalahanin ang araw na ito, at ipagdiriwang ito ng lahat ng henerasyon bilang kapistahan para kay Jehova. Isa itong batas hanggang sa panahong walang takda.
-
-
Exodo 23:14, 15Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
14 “Tatlong beses sa isang taon ay magdiriwang ka ng kapistahan para sa akin.+ 15 Ipagdiriwang mo ang Kapistahan ng Tinapay na Walang Pampaalsa.+ Pitong araw kang kakain ng tinapay na walang pampaalsa, gaya ng iniutos ko sa iyo, sa itinakdang panahon sa buwan ng Abib,*+ dahil noon ka lumabas sa Ehipto. Hindi puwedeng humarap sa akin ang sinumang walang dala.+
-
-
Exodo 23:18Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
18 “Ang dugo ng hain para sa akin ay huwag mong ihahandog kasama ng anumang may pampaalsa. At ang mga haing taba na inihahandog sa aking mga kapistahan ay huwag mong hahayaang matira hanggang kinaumagahan.
-
-
Deuteronomio 16:1, 2Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
16 “Alalahanin ninyo ang buwan ng Abib* at ipagdiwang ang Paskuwa para sa Diyos ninyong si Jehova,+ dahil inilabas kayo ng Diyos ninyong si Jehova sa Ehipto isang gabi sa buwan ng Abib.+ 2 At dapat ninyong ialay sa Diyos ninyong si Jehova ang handog para sa Paskuwa,+ mula sa kawan at bakahan,+ sa lugar na pipiliin ni Jehova para sa kaluwalhatian ng pangalan niya.+
-