Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Mateo 13:19
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 19 Kapag naririnig ng isa ang mensahe ng Kaharian pero hindi ito naiintindihan, dumarating ang masama*+ at inaagaw ang naihasik na sa puso niya; ito ang naihasik sa tabi ng daan.+

  • Marcos 4:15
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 15 Ang ilang tao ay gaya ng mga binhi na nahulog sa tabi ng daan. Nang marinig nila ang salita ng Diyos, dumating si Satanas+ at kinuha ang salita na naihasik sa kanila.+

  • 1 Corinto 1:21
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 21 Sa ganitong paraan naipakita ang karunungan ng Diyos: Hindi nakilala ng sanlibutan ang Diyos+ sa pamamagitan ng sarili nitong karunungan.+ Sa halip, minabuti ng Diyos na iligtas ang mga nananampalataya sa pamamagitan ng ipinangangaral na mensahe na kamangmangan+ para sa iba.

  • 2 Corinto 2:11
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 11 para hindi tayo malamangan ni Satanas,+ dahil alam naman natin ang mga pakana niya.+

  • 2 Corinto 4:3, 4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 3 Ang totoo, kung natatalukbungan ang mabuting balita na ipinahahayag namin, natatalukbungan ito para sa mga malilipol, 4 ang mga di-sumasampalataya, na ang isip ay binulag ng diyos ng sistemang ito+ para hindi makatagos ang liwanag ng maluwalhating mabuting balita tungkol sa Kristo,+ na siyang larawan ng Diyos.+

  • 1 Pedro 5:8
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 8 Panatilihin ang inyong katinuan, maging mapagbantay!+ Ang kalaban ninyo, ang Diyablo, ay gumagala-gala gaya ng isang umuungal na leon, na naghahanap ng malalapa.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share