Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Exodo 12:3
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 3 Sabihin ninyo sa buong bayan ng Israel, ‘Sa ika-10 araw ng buwang ito, ang bawat isa sa kanila ay dapat kumuha ng isang tupa+ para sa sambahayan ng ama niya, isang tupa para sa isang sambahayan.

  • Exodo 12:6
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 6 Aalagaan ninyo iyon hanggang sa ika-14 na araw ng buwang ito,+ at pagdating ng takipsilim* ay papatayin iyon ng bawat sambahayan sa kongregasyon ng Israel.+

  • Levitico 23:5-8
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 5 Sa ika-14 na araw ng unang buwan,+ sa takipsilim,* ipagdiriwang ang Paskuwa+ para kay Jehova.

      6 “‘Ang ika-15 araw ng buwang ito ay Kapistahan ng Tinapay na Walang Pampaalsa para kay Jehova.+ Pitong araw kayong kakain ng tinapay na walang pampaalsa.+ 7 Sa unang araw, magdaraos kayo ng isang banal na kombensiyon.+ Wala kayong gagawing anumang mabigat na trabaho. 8 Sa halip, sa loob ng pitong araw ay mag-aalay kayo ng handog kay Jehova na pinaraan sa apoy. Sa ikapitong araw, magkakaroon ng isang banal na kombensiyon. Wala kayong gagawing anumang mabigat na trabaho.’”

  • Lucas 22:7
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 7 At dumating ang araw ng Tinapay na Walang Pampaalsa, kung kailan ihahandog ang haing pampaskuwa;+

  • Juan 13:1
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 13 Alam na ni Jesus bago pa ang kapistahan ng Paskuwa na dumating na ang oras niya+ para umalis sa mundong* ito at pumunta sa Ama.+ Dahil mahal niya ang mga sariling kaniya na nasa mundo, patuloy niya silang inibig hanggang sa wakas.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share