-
Mateo 1:20, 21Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
20 Pero matapos pag-isipan ni Jose ang mga bagay na ito, ang anghel ni Jehova ay nagpakita sa kaniya sa panaginip at nagsabi: “Jose, anak ni David, huwag kang matakot na pakasalan si Maria, dahil nagdadalang-tao siya sa pamamagitan ng banal na espiritu.+ 21 Siya ay magsisilang ng isang anak na lalaki, at Jesus ang ipapangalan mo sa kaniya,+ dahil ililigtas niya ang kaniyang bayan mula sa kanilang mga kasalanan.”+
-