-
Mateo 22:23-28Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
23 Nang araw na iyon, ang mga Saduceo, na nagsasabing walang pagkabuhay-muli,+ ay lumapit sa kaniya at nagtanong:+ 24 “Guro, sinabi ni Moises: ‘Kung mamatay ang isang lalaki nang walang anak, ang asawa niya ay pakakasalan ng kapatid niyang lalaki para magkaroon ng anak ang namatay na kapatid.’+ 25 Ngayon, may pitong magkakapatid na lalaki dito sa amin. Ang una ay nag-asawa at namatay, at dahil hindi siya nagkaroon ng anak, naiwan ang asawa niya sa kapatid niyang lalaki. 26 Ganoon din ang nangyari sa ikalawa at sa ikatlo, hanggang sa ikapito. 27 Bandang huli, namatay rin ang babae. 28 Ngayon, dahil siya ay napangasawa nilang lahat, sino sa pito ang magiging asawa ng babae kapag binuhay silang muli?”
-
-
Gawa 17:18Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
18 Pero nagsimulang makipagtalo sa kaniya ang ilan sa mga pilosopong Epicureo at Estoico, at sinasabi ng ilan: “Ano ba ang gustong sabihin ng daldalerong ito?” Ang iba naman: “Nangangaral yata siya tungkol sa mga bathala* ng mga banyaga.” Ganiyan ang sinasabi nila dahil ipinahahayag niya ang mabuting balita tungkol kay Jesus at sa pagkabuhay-muli.+
-