-
Gawa 9:3-8Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
3 Habang naglalakbay siya at malapit na sa Damasco, biglang suminag sa kaniya ang isang liwanag mula sa langit.+ 4 Nabuwal siya at may narinig na tinig: “Saul, Saul, bakit mo ako inuusig?” 5 Nagtanong siya: “Sino ka, Panginoon?” Sinabi nito: “Ako si Jesus,+ ang inuusig mo.+ 6 Pero tumayo ka at pumasok ka sa lunsod, at may magsasabi sa iyo ng dapat mong gawin.” 7 At ang mga lalaking naglalakbay na kasama niya ay natigilan at di-makapagsalita, dahil may naririnig silang tinig pero walang nakikitang sinuman.+ 8 Kaya tumayo si Saul, at kahit nakadilat, hindi siya makakita. Kaya inakay nila siya papuntang Damasco.
-
-
Gawa 26:13-15Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
13 Pero nang katanghaliang-tapat, O hari, isang liwanag mula sa langit na mas maningning pa sa araw ang suminag sa akin at sa mga kasama ko sa paglalakbay.+ 14 At nang mabuwal kaming lahat, sinabi sa akin ng isang tinig sa wikang Hebreo: ‘Saul, Saul, bakit mo ako inuusig? Ikaw rin ang nahihirapan dahil sinisipa mo ang mga tungkod na panggabay.’ 15 Pero sinabi ko: ‘Sino ka, Panginoon?’ Sinabi ng Panginoon: ‘Ako si Jesus, ang inuusig mo.
-