13 Gaya ng alam ninyo, noong nasa Judaismo pa ako,+ pinag-usig ko nang matindi at ipinahamak ang kongregasyon ng Diyos;+ 14 at sa relihiyong Judaismo, mas masulong ako kaysa sa maraming kaedad ko sa aking bansa, dahil di-hamak na mas masigasig ako sa pagsasagawa ng mga tradisyon ng mga ninuno ko.+