-
Roma 16:25, 26Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
25 Purihin nawa Siya na makapagpapatatag sa inyo kaayon ng mabuting balita na ipinahahayag ko at ng* pangangaral tungkol kay Jesu-Kristo, na kaayon ng isiniwalat tungkol sa sagradong lihim+ na itinago sa mahabang panahon 26 pero inihayag* na ngayon at ipinaalám na sa lahat ng bansa sa pamamagitan ng mga hula sa Kasulatan, na kaayon ng utos ng walang-hanggang Diyos na ang kalooban ay manampalataya sila at maging masunurin;
-
-
Efeso 3:1-4Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
3 Dahil dito, akong si Pablo ay bilanggo+ ni Kristo Jesus alang-alang sa inyo na mga tao ng ibang mga bansa.+ 2 Siguradong narinig ninyo na ginawa akong katiwala+ ng walang-kapantay na kabaitan ng Diyos alang-alang sa inyo. 3 Oo, isiniwalat sa akin ng Diyos ang sagradong lihim niya, gaya ng isinulat ko sa maikli noong una. 4 Kaya kapag binasa ninyo ito, makikita ninyo ang kaalaman ko sa sagradong lihim+ tungkol sa Kristo.
-