-
2 Corinto 6:4, 5Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
4 kundi sa bawat paraan ay inirerekomenda namin ang sarili namin bilang mga lingkod* ng Diyos,+ dahil sa tiniis* naming maraming pagsubok, mga kapighatian, mga kagipitan, mga problema,+ 5 mga pambubugbog,+ mga pagkabilanggo,+ mga gulo, mga pagpapagal, mga gabing walang tulog, at mga panahong walang makain;+
-
-
1 Pedro 2:20, 21Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
20 Dahil kapuri-puri ba kung nagtitiis* kayo ng parusa dahil nagkasala kayo?+ Pero kung nagtitiis kayo ng pagdurusa dahil sa paggawa ng mabuti, kalugod-lugod ito sa Diyos.+
21 Sa katunayan, tinawag kayo sa landasing ito, dahil maging si Kristo ay nagdusa para sa inyo,+ at nag-iwan siya ng huwaran para sundan ninyong mabuti ang mga yapak niya.+
-