Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Gawa 20:22, 23
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 22 At ngayon, dahil itinutulak ako ng espiritu, pupunta ako sa Jerusalem,+ kahit hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa akin doon. 23 Ang alam ko lang, pagkabilanggo at mga kapighatian ang naghihintay sa akin, gaya ng paulit-ulit na sinasabi sa akin ng banal na espiritu sa bawat lunsod.+

  • Gawa 21:11
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 11 At pinuntahan niya kami, kinuha ang sinturon ni Pablo, at iginapos ang mga paa at kamay niya at sinabi: “Ganito ang sabi ng banal na espiritu, ‘Ang lalaking may-ari ng sinturong ito ay igagapos sa ganitong paraan ng mga Judio sa Jerusalem,+ at ibibigay nila siya sa kamay ng mga tao ng ibang mga bansa.’”+

  • 2 Corinto 11:23-28
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 23 Lingkod ba sila ni Kristo? Sasagot akong gaya ng isang baliw, di-hamak na nakahihigit ako sa kanila: mas marami akong ginawa,+ mas madalas akong nabilanggo,+ napakaraming hampas ang tiniis ko, at maraming beses akong nalagay sa bingit ng kamatayan.+ 24 Limang beses akong tumanggap sa mga Judio ng 40 hampas na kulang ng isa,+ 25 tatlong beses akong pinaghahampas,+ minsan akong pinagbabato,+ tatlong beses na nawasak ang barkong sinasakyan ko,+ at isang gabi at isang araw akong nasa gitna ng dagat; 26 sa madalas kong paglalakbay, ilang beses akong nanganib sa mga ilog, sa mga magnanakaw, sa mga kalahi ko,+ sa ibang mga bansa,+ sa lunsod,+ sa ilang, sa dagat, at sa gitna ng nagkukunwaring mga kapatid; 27 nagtrabaho rin ako nang mabigat at nagpakahirap, maraming beses akong hindi makatulog sa gabi,+ nagutom ako at nauhaw,+ madalas akong walang pagkain,+ at gininaw ako at walang maisuot.

      28 Bukod sa lahat ng paghihirap na iyon, araw-araw rin akong nag-aalala para sa lahat ng kongregasyon.+

  • Colosas 1:24
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 24 Nagsasaya ako ngayon sa mga paghihirap ko para sa inyo,+ at nagdurusa akong gaya ni Kristo, pero kulang pa ang pagdurusa ko para sa kaniyang katawan,+ ang kongregasyon.+

  • 2 Timoteo 1:12
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 12 Kaya naman pinagdurusahan ko rin ang mga bagay na ito,+ pero hindi ako nahihiya.+ Dahil kilala ko kung sino ang pinaniniwalaan ko, at nagtitiwala akong kaya niyang bantayan hanggang sa araw na iyon ang ipinagkatiwala ko sa kaniya.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share