Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • 2 Corinto 5:1-4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 5 Alam natin na kung masira ang makalupang bahay natin, ang toldang ito,+ bibigyan tayo ng Diyos ng isang gusali, isang bahay na hindi ginawa ng mga kamay+ at mananatili nang walang hanggan sa langit. 2 Talagang dumaraing tayo sa bahay na ito, at gustong-gusto nating isuot ang bahay mula sa langit na para sa atin,+ 3 para kapag naisuot na natin iyon, hindi na tayo magiging hubad. 4 Ang totoo, tayo na nasa toldang ito ay dumaraing at nabibigatan, hindi dahil sa gusto natin itong hubarin, kundi dahil gusto nating isuot ang isang iyon,+ para ang mortal ay mapalitan ng buhay.+

  • 2 Corinto 5:6
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 6 Kaya buo ang tiwala natin at alam natin na habang ang tahanan natin ay ang katawang ito, wala tayo sa harap ng Panginoon,+

  • 2 Corinto 5:8
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 8 Wala tayong pagdududa, at mas gusto nating manirahan kasama ng Panginoon sa halip na sa katawang ito.+

  • Filipos 3:20, 21
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 20 Pero ang pagkamamamayan+ natin ay sa langit,+ at sabik nating hinihintay ang isang tagapagligtas mula roon, ang Panginoong Jesu-Kristo;+ 21 babaguhin niya ang mahinang katawan natin para maging gaya ng kaniyang maluwalhating katawan+ sa pamamagitan ng malakas na kapangyarihang gagamitin niya para ipasakop ang lahat ng bagay sa kaniyang sarili.+

  • 2 Timoteo 4:6
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 6 Dahil gaya ako ngayon ng ibinubuhos na handog na inumin,+ at malapit na akong lumaya.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share